Ang Isabela ay isang magandang lugar, ito ay puno ng mga bukidat mga magagandang tanawin. Ang lugar na ito ay sagana sa mga yamang-lupa. Mayroon ding mga magagandang tanawin na maaring puntahan ng mga turista sa Isabela. Maaring puntahan ang mga lugar tulad ng “Our Lady of the Pillar Parish Church” at “St. Matthew’s Parish”. Maganda ring puntahan ang Abuan River, maaaring gumawa ng iba’t ibang aktibidad sa lugar na ito kagaya ng hiking, scaling cliffs and falls, swimming, rappelling, and rafting or kayaking.
Ang lugar na ito ay malinis. Ang mga taong nakatira diro ay may respeto at sila ay mabait sa mga bisitang dumadayo sakanilang lugar. Maganda ang kanilang pakikitungo sa kanilang mga kapwa at sa mga turista. Mainit ang kanilang pagtanggap sa mga bisita at ito ay kinikilala ng marami. Mayroong talon na magandang lugar na pwedeng puntahan ng mga turista, ang lugar na ito ay ang Dibulo Falls. Totoong maganda ang mga lugar na ito dahil napanatili ang ganda nito.
Dahil dito, sa aking opinyon maganda ang lugar na Isabela dahil pinapakita nito ang magagandang tanawin ng ating bansa. Ang mga tanawin din dito ay napanatiling maayos at maganda. Dapat nating puntahan ang mga lugar na ito dahil ito ang ganda na gawa ng Diyos at ito ang nagpapaganda ng ating bansa. May makikita din na “Isabela Thy Will Be Done” sa hangganan ng Nueva Vizcaya bago pumasok ng Isabela.